Mik-mik. The 90’s kids addiction :))
Nakalagay ang milk powder kung hindi sa plastic na bote na korteng coke bottle (iniinom na parang coke talaga) or sa parang yosi na lagyanan at nung kami’y musmos na bata pa lamang, iniimagine namin na totoong yosi un at hihigupin ang choco powder na nasaloob, umuubo at ibubuga na parang yosi. haha.
Ngayon, meron pa pala nito sa grocery, SM supermarket at 11 pesos lang, 20 pieces + 2 daw :)) nakalagay na sa pula at brown na plastic wrapper :| sana meron nung bote at yosi na lagyanan ulit.
Ngayon ko lang napagtanto… Nung bata pala ako, umiinom at nagyosi na pala ako…. ng mik-mik :)) HAHAHAHA.